~ Antoine de Saint-Exupéry
Not Worth It
June 29, 2009Today is one of those days wherein I just want to drop everything and quit this f*ckin’ battle. It’s not worth it. It’s not worth the sleepless nights I’m having. Not worth the prolonged menstruation days (3 bloody weeks!) I’m experiencing. Not worth the hormonal imbalance my body is going through. Not worth the tears at night I’m crying. Not worth the headaches and heartaches I’m getting out of frustration. It’s not worth it.
Yes, I’m being paid to fight this battle, but I guess, money is not always the end. Especially if one’s sanity, peace of mind, and happiness is on the line. Sadly, I became a pawn in this nasty battle - a pawn manipulated because of the monetary gains that I get. It’s like a drug that has grown on me and to let go means to suffer from withdrawal syndrome. But I know soon the weariness, stress, and frustration will get the better of me. Knowing myself, the need for the dough will not outweigh my longing for peace of mind. It’s just a matter of time…
Isang Bukas na Liham…
June 18, 2009Isinusulat ko ang bukas na liham na ito dahil sa kabaliwan na inaabot ko sa aking kasalukuyang sitwasyon. Wala itong kinalaman sa aking buhay-pag-ibig (dahil wala rin naman akong buhay pag-ibig.. hehehe..) kaya hindi dapat maging malisyoso at malisyosa sa pagbabasa.
Ito ay isang bukas na liham para sa ilan kong kakilala.
Una, nais kong ipaalam sa inyo na sa anim na opisina na akin nang napasukan, sa kasalukuyan kong opisina ako pinaka-aburido. Ayos lang sana ang aburido sa trabaho. Lumilipas at pana-panahon lang naman ang mga masakit sa ulo na tiket. Sana ganun din ang sitwasyon sa mga chismosa’t intrigera sa opisina. Sana pana-panahon at sana lumilipas din sila. Kaya lang hindi. Kaya dagdag-aburido ang mga ganitong tao.
Ikalawa, nais ko ipaalam sa inyo na alam ko karamihan (hindi man lahat) ng bagay na sinasabi nyo sa likod ko. Mabait ang Diyos. Hindi pa rin ako pinapabayaan. May mga matitino at mga totoong tao pa rin sa opisina.. mga totoong tao na hindi gaya ninyong mga Hudas. Mula ng makilala ko kayo, nalaman ko na nagsasalita, naglalakad, tumatawa, at nagtsi-tsismisan pala ang mga timba at aparador ng Orocan. Ganun kasi kayo. Orocan sa kaplastikan. Mabait kapag kaharap. Kaaway na lihim kapag nakatalikod.
Ikatlo, wala akong pakialam kung iilan na lang tao ang pumapansin sa akin sa opisina. Hindi naman ako pumapasok para makipag-chismisan at makipag-huntahan lang, gaya ninyo. Pumapasok ako sa opisina para magtrabaho at ayusin ang mga bwisit kong tikets, hindi para makipag-tsismisan at mag-kape, tanghalian, meryenda break - gaya ninyo. Wala sa akin kung hindi ninyo ako pansinin, basta kinakausap ako ng mga amo ko (boss ko), ng HR (dahil sila ang nagpapasahod sa akin), at ng iilang piling kaibigan na alam kong totoo.
Ikaapat, kung akala nyo takot ako na bitiwan itong hinahawakan ko ngayon, nagkakamali kayo. Hindi ako gaya ninyo. Napaka-gagaling humusga at napakayayabang sa pag-iisip na madali ang hawak ko, pero napaka-duwag din naman na hawakan ang hawak ko. Kung totoong magaling kayo gaya ng ibinibida ninyo, bakit ayaw nyo sumubok man lang sa ginagawa ko. Ang hirap sa inyo, ang dali nyong magsalita at magsabi na mababaw lang ang tubig, pero takot kayong tumalon at sumisid para malaman kung gaano kababaw o kalalim.
Ikalima, mali kayo kung inaakala ninyo na takot ako mawalan ng trabaho kaya ako malapit sa ilan tao sa opisina. Marunong lang ako manimbang kung sino ang mga taong dapat pakitaan ng mabuti dahil mabuti rin naman sila sa akin. Kung naging mabuti din kayo sa akin, malapit din ako sa inyo. Kung di ninyo ako binanatan sa likod, hindi ko rin kayo babanatan sa bukas na liham na ito. Hindi ako takot mawalan ng trabaho. Hinayang, oo. Takot hindi. May kaibahan ang dalawa. At kung matanggal man ako, alam kong malinis ang konsensya ko. Malinis ang konsensya ko dahil ginawa ko ang trabaho ko sa abot ng makakaya ko. Hanggang bahay inuuwi ko ang trabaho ko. Minsan umaabot pa sa puntong ang oras ko para sa anak ko ay napupunta pa sa trabaho. Malinis ang konsensya ko na ginawa ko ang makakaya ko, na hindi ko inubos ang oras ko sa opisina sa panonood ng DVD, pamamasyal sa mall, pag-iinternet, pagtsi-tsismisan, at pagkain ng tangalian ng merienda na inaabot ng isang oras mahigit. Maaaring hindi ako kasing-talino ninyo, pero alam kong hindi dapat abusuhin ang trabaho at talino ko. Sa bagay na ‘to, hindi ako takot na mawalan ng trabaho - ang utak at talino kasi nagagawan ng paraan basta’t may tiyaga, pero ang pangit na ugali at asal, mahirap hanapan ng lunas.
Hindi ko alam kung magkakabati pa tayo. Hindi ako umaasa. Hindi ko nga alam kung mababasa ninyo ito. Isinulat ko ito para ipaabot sa inyo na mulat ako sa mga pinagagagawa nyo sa akin. Hindi dahil sa tahimik ako ay hindi ko dinaramdam ang mga bagay bagay. Hindi dahil sa tahimik ako takot ako sa inyo. Hinding-hindi. Pinili kong manahimik dahil ayaw ko pumatol sa mga katulad ninyo. Sayang lang ang laway, oras, at pagod ko. Naniniwala ako sa karma. Naniniwala ako na hindi natutulog ang Diyos. Bahala na Siya sa inyo.
Monday Blues
May 11, 2009Sabi ng Lola ko, sadyang may mga taong nakakakita ng butas ng karayom, pero hindi ang butas ng palakol. May mga taong magaling magbigay ng puna at mamintas ng iba ng hindi nakikita ang sariling kahinaan or kamalian. Bago ka humusga, tignan mo muna ang sarili mo.
Para sa mga kakilala ko na ganito ang ugali, eto lang ang masasabi ko. I may not be as wise and as technically adept as you are. But definitely I am several notches higher than you in terms of breeding. Hindi ko kayo pinapatulan hindi dahil takot ako sa inyo. Hindi ko kayo pinapatulan dahil sayang ang panahon, pagod, laway, at salitang gagamitin ko sa inyo. People like you don’t deserve even a fragment of my attention, not even a single second of my time.
Frustration 101
May 6, 2009This is one of those days I really regret leaving my previous work. I feel alone, frustrated, and abandoned here at work. I just want to turn-off my PC, pack my belongings and leave. For good. Forever. Magagaling naman sila dito. They can take over whatever I leave behind.
Lunchbreak Woes
April 21, 2009I am writing this blog entry during our lunch break here in the office. Everybody seems to be quiet and my nearby cubemates are also doing their own stuff.
I miss these moments wherein I could relax during lunchbreaks. Lately, even my nap time (and internet time) during lunchbreaks are being stolen away by my work. *sigh* I miss those moments wherein I can call my 3-year-old son back at home during lunchbreaks and spend some 10 minutes on the phone with him asking him what he’s watching on television and what’s he having for lunch. I miss those moments wherein I could walk to the mall and window-shop during lunch breaks. Those brisk-walking sessions help me unwind and clear my mind, enabling me to return to work refreshed and more energetic.
Oh well. The price I have to pay for a so-called good-paying job. These are one of those moments wherein I can say that money isn’t everything. I miss my good old lunchbreak days… *sigh*…
Sunburn
April 19, 2009I thought I won’t get it. I was actually disappointed this morning because I thought all my efforts went to waste because I really want a slight change in my skin color. This morning and this afternoon, it wasn’t that painful yet. Now it’s starting to irritate me. “Humahapdi na”, as we call it in Filipino. And although I love my tan color right now, the burning sensation on my shoulders is something I don’t love. Hmmm… Perhaps I’m just tired and sleepy. Perhaps it’s also the thought that I have to see my problem tickets again tomorrow. My skin burns. My eyes burn. Tomorrow, Monday, perhaps even my temper will reach burning levels. Oh well… I hate my sunburn.


