~ Antoine de Saint-Exupéry
Paalam 2011. Mabuhay 2012.
December 31, 2011Ilang oras na lang (sa Pilipinas) at maglilipat na naman ng pahina ang isang taon.
Paalam 2011. Personally, gusto ko magpasalamat sa taong 2011 dahil marami itong naibigay na mga magagandang karanasan na nagpasaya sa akin, at salamat din sa mga hinanakit at sama ng loob na nagturo naman sa akin ng katapangan at katatagan. Sa taong 2011 ko binuhay ulit ang blog na ito. Sa taong 2011 ko pinili na i-”reprogram” ang blog na ito para maging isang “online notebook” ng aking mga thoughts and feelings na hindi ko maibahagi ng personal kahit kanino. Ironic, dahil hindi ko sya maibahagi ng personal kahit kanino, pero sini-share ko sa buong cyberspace community. Hehehe..
Mabuhay 2012. Sa pagpasok ng bagong taon na 2012 (at sa pagpasok ng kahit anong bagong taon), laging kong iniisip ang simpleng phrase na “Bagong Taon. Bagong Simula” (i.e. New Year. New Beginnings). Realistic (at skeptical) man akong tao, pinipilit kong maging optimist tuwing bagong taon. Kinakalimutan kong ang mga nega (i.e. negative sa mga hindi nakaka-getz) ng taong papaalis - tao, bagay, lugar, pangyayari - pero hindi ko kinakalimutan ang mga lessons na natutunan ko sa pakikipag-interact sa mga nega na yun. Ayokong masyadong mag-expect sa 2012, pero naniniwala, umaasa, at higit sa lahat nananalig (sa Diyos) ako na there will be an improvement in my life (i.e personal, career, family, even lovelife!!) sa darating na 2012.
Sa mga napadaan lang at naisipan magbasa ng aking blog, salamat. Happy new year sa ating lahat! Sana hindi lang ngayon New Year tayo masaya. Sana araw-araw masaya tayo. All good vibes in 2012! =)
2011 Quick Random Thoughts #010
December 29, 2011Hindi ako religious na tao, but I know that there is a biblical verse that goes:
“So when you give to the poor, do not sound a trumpet before you, as the hypocrites do in the synagogues and in the streets, so that they may be honored by men. Truly I say to you, they have their reward in full.” ( Matthew 6:2 )
Roughly translated, kung may gagawin kang mabuti para sa kapwa mo, huwag mo nang ibida or ipagmalaki pa dahil nawawalan ito ng bisa. Same thing goes true sa panunumbat. Kung may gagawin kang mabuti para sa kapwa mo, nawawalan iyon ng bisa kapag dumating ang araw at isinumbat mo sa kanya ang kabutihang ginawa mo. It is like negating the positive thing you have done. Wala kang ipinag-iba sa sinasabi sa Bible na mga impokrito na ibinibida ang mabuting ginawa nila sa pamamagitan ng grand announcement with trumpet effects. Para’yang basketball - ang good deed ang bola, ikaw at yung kapwa mo ang sasalo. Kapag gumawa ka ng mabuti, ipinapasa mo ang bola sa kapwa mo. Pero kapag isinumbat mo ang good deed na ‘yun, ibinibalik lang nya sa iyo ang bola. The good deed loses its effect.
Kung gagawa ka ng mabuti sa kapwa mo, at later on he/she mistreats you, then fight back and fight about the CURRENT misdemenor that he/she did - but never bring up the past things you have done for him/her. It is an unfair battle dahil hindi ka nagfo-focus sa mga actual na pinag-awayan nyo ngayon. For all you know, may katwiran at tama naman sya ngayon, kahit na 500% goodness pa ang ibinigay mo sa kanya noon.
Kung gagawa ka ng mabuti sa kapwa mo, at genuine ang intentions mo sa paggawa ng mabuti na ‘yun, then huwag kang manumbat.
2011 Quick Random Thoughts #009
December 22, 2011Magpakatotoo ka. I had the opportunity to interview one applicant a few days ago. And as expected isa sa mga normal questions na tinatanong ay “why would you like to leave your current employer?”. Nung una, obvious na the candidate was trying to conceal his real reason behind some cliche answers like exploring new roles, work-life balance, etc. Matapos namin paikut-ikutin ang mga tanong, inamin din nya na higher compensation pay ang totoong dahilan kung bakit sya nakakaisip na umalis. And for being candid and straightforward, I gave him credit.
Hanga ako sa mga taong kayang magpakatotoo. Yung mga tipo ng tao na walang kakambal na Orocan or Tupperware. Siguro kasi ako rin yung tipo ng tao na gusto ko na hanggang maaari, pawang katotohanan lang din ang sinasabi sa akin at sasabihin ko - no matter how brutal or hurtful the truth is. Hanga ako sa mga taong kayang sabihin yung totoong nasasaloob nila. Hanga ako sa mga taong kaya kang sabihan ng harapan tungkol sa pagkakamali mo. Sila kasi yung mga tipo ng tao na kampante kang pakisamahan dahil alam mong maglalakad ka ng walang itak na nakasaksak sa likod mo - in short, hindi ka nila babanatan kapag nakatalikod ka.
Knowing the Filipino culture of being nice, mahirap-hirap gawin ito. But this is one thing that I admire with my foreign counterparts. Straightforward sila. Mahapdi pakinggan sa tenga, at nakakasikip ng dibdib ang pagiging brutally frank nila. But you can expect that there’s no more bullsh*t to come out from their mouths after you end the conversation. Sana maging ganyan ang Pinoy. Sana magpakatotoo na lang ang lahat.
2011 Quick Random Thoughts #008
December 9, 2011Nothing beats those times and moments spent with the people you love. Hindi mapapantayan ng high-tech gadgets, malaking sahod, bonggang 2-to-3-letter job titles (i.e. CEO, CIO, VP, AVP, etc…) ang oras na iginugugol mo sa mga taong mahal mo (mahal meaning pwedeng parents, kapatid, anak, asawa, boypren, gelpren, dometic partner). Kung ako ang tatanungin, hindi ako magdadalawang-isip mag-ubos ng oras, magtapon ng VLs/SLs/ELs/Solo-Parent Leaves para sa anak ko (ang kaisa-isang taong natitiyak kong hindi ko kayang tiisin). Hindi ako magui-guilty magsinungaling sa opisinang pinapasukan ko kung alam kong kailangan talaga ng anak ko ng quality time. Oo, money is important and it is definitely a means to an end. But at the end of the day, and even at the end of our days (i.e. ikaw ay nasa iyong deathbed), maiisip mong pwede mong mabili ang mga high-tech na gadgets, kitain ang malalaking sahod, makuha ang pinakamimithing break at promotion sa trabaho, anytime basta magsipag at magtyaga ka lang. Pero mababalewala ang lahat ng mga materyal na bagay na ito at hindi mo maibabalik ang mga oras at pagkakataon na nakapuslit sa mga palad mo kapag hindi mo naipadama sa mga taong mahal mo, kung gaano sila kahalaga syo.
2011 Quick Random Thoughts #007
December 8, 2011Hindi lahat ng tahimik ay walang alam. At hindi lahat ng pa-bibo ay napakaraming alam. ‘Ika sa isang kasabihan Filipino, may mga pagkakataon na, at mas madalas sa madalas, “maingay ang latang walang laman”. Huwag husgahan ang tao sa kanyang WPM (words per minute) - sa kung gaanong kadaming salita ang lumalabas sa bibig nya kada minuto. Huwag husgahan ang tao sa kung gaano ang bravado nya kapag nagsasalita. Huwag husgahan ang tao sa kung gaano ka-kulot ang accent nya. Huwag husgahan ang tao sa kung gaano ka-tindi ang vocabs nya. For all we know, may kinukubli sila sa loob ng ingay nilang iyon. At aminin na natin, may mga tao sadya talagang epal. Ginawa yun ng tadhana para may spice ang buhay. The best weapon against them? Silence and indifference….


