~ Antoine de Saint-Exupéry
Para Kay Mama
October 1, 2011Kasalukuyan kong binabantayan si mama dito sa hospital. After 5 years of walang-sawang pangungulit, pagpipilit, she finally agreed to have her polyps removed through hysteroscopy. O diba? Ang ibang tao, nag-aalaga ng pet dog, pet cats, even exotic pets gaya ng iguana at tarantula.. Ang nanay ko, exotic pet din ang inalagaan for 5 years - ang polyps nya. Salamat sa pananakot ng kanyang OB (na pwede daw mag-trigger ng cancer ang kanyang polyps) at pumayag na rin syang i-let go ang pet polyps nya.
Kahit hindi nya sabihin, at aminin, obvious na kinakabahan ang nanay ko kanina. Habang kinakabitan pa lang sya ng IV (swero), hindi na sya makatingin. At lalo pa syang nabwisit nang hindi maikabit agad ang kanyang IV dahil nahihirapan ang nurse na hanapin ang ugat sa kamay nya. Chubby daw kasi ang kamay ni mama kaya hindi lumilitaw ang mga ugat nya. Matapang at malakas ang loob ng nanay ko… huwag lang na sya mismo ang nakasalang sa hospital bed.
Pagkatapos ng hysteroscopy at nang maibalik na sya dito sa kwarto, nakita ko ang nanay ko from a different perspective. Hindi sya yung makulit at maingay na ilaw ng tahanan - ilaw na mala-Halogen light ang liwanag dahil sa pagiging over maalalahanin at protective nya sa akin (na 33 years old na at may sarili nang anak) at sa aking kapatid (isang 19-anyos na bardagol na lalaki). Kanina nung ilabas sya sa Recovery Room at dalhin dito sa kwarto, nakita ko na tao rin si mama - hindi sya yung Superwoman at Babaeng Atlas na pinapasan lahat ng worries at troubles sa bahay. Hindi ko minasama ang perspective na ito. In fact, isa itong eye-opener on my end. Naawa din ako kay mama (Ma, alam kong ayaw mong kakaawaan ka, pero I’m just being real…). All this time, all these years, sya ang nagbabantay sa amin (sa akin, sa kapatid ko, sa tatay ko, sa anak ko!). It is but right that in this single, significant instance, I return the favor and ako naman yung magsilbi sa kanya. Alam kong hindi ako ang peboritz ng nanay ko. Aminado ako na my mom and I don’t always see eye to eye. May atraso din ako sa kanya lalo na nung mga panahon na pinasok ako ng topak, nagrebelde, at tinalikuran sila. Pero hindi man ako ang apple of the eye ng nanay ko, somehow, deep within this stone-cold heart of mine, alam kong mahal ko ang nanay ko. At dahil sa pagmamahal na yun, sinusubukan ko syang pagsilbihan ngayon, during these moments wherein she’s in her weakest state - pagsisilbi dahil sa pagmamahal, kahit na alam kong hindi ako ang paborito nya. Oks lang yun.
O sya, humahaba na ang blog post na ito. Hindi ko rin naman alam kung madi-discover at mababasa ito ng nanay ko. Wala naman silang kamalay-malay na blogger ako. Sa ngayon, ipinapanalagin ko na lang na sana hindi malignant ang mga pet polyps ni mama. Hinayupak yang mga polyps na yan!! Nakikihati pa sa pag-aalaga ng nanay ko.. Matunaw nawa kayo dyan sa formalin na pinagbabaran sa inyo, at wag na kayo babalik sa katawan ng nanay ko..
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


