"It is such a secret place, the land of tears."
~ Antoine de Saint-Exupéry

Home

2012 Quick Random Thought #002

February 11, 2012

May isang sikat na kantang nung 90’s (napapaghalata ang true age ko.. nyahaha!) with a line that goes “Banal na aso / Santong Kabayo / Natatawa ako / Hihihihi… “… Harsh and ironic as it may appear, pero minsan talaga yung mga taong madasalin at supposedly “closer to God” eh sila pa yung mas paper-like (read: mapapel or epal) or mas masama ang ugali. I’m not talking here solely about priests, pastors, nuns, etc. They’ve been talked about several times in much bigger media. Ang tinutukoy ko dito ay ang mga karaniwang tao na akala mo kung mala-walking Bible kung maka-quote ng biblical verses, pero kung makasagasa naman eh akala mo sila ang tao sa mundo, at sila lang ang anak ng Diyos. Haller.. 

I don’t have anything against these people. In fact, bilib ako sa capacity ng memory nila kung makaalala ng biblical verses. Ang sa akin lang, mga ateh at kuyah, “Practice what you preach“.  Make those biblical verses come to life… through your actions. Ang tunay na basehan kung gaano ka-effective at ka-solid ang pananampalataya mo ay kung paano mo ito isinasabuhay - kung ilang tao ang nadudulutan mo ng saya, at hindi kung ilang tao ang nabibi-bwisit sa yo dahil sa tahasang pagiging masamang ugali or taklesa mo. 

Hindi ako magaling mag-memorize ng biblical verses. Hindi ako magaling umawit ng praise songs. Hindi ako perpektong tao. Pero alam ko na hindi lang ako ang tao sa mundo, hindi lang ako ang anak ng Diyos. Alam ko na dapat kong ituring ang kapwa tao ko (regardless kung anong antas nila sa buhay) kung paano ko gusto ituring ako ng iba. Alam ko na dapat mag-ingat ako sa sinasabi ko dahil baka nakakasakit ako. Alam ko na dapat binabantayan ko ang kilos ko dahil baka nakakaapak na ako ng ibang tao. Kaya kayong mga ateh at kuyah na banal na aso o santong kabayo… umayos na sana kayo.. ang bait nyo kasi, baka maaga kayong kunin ni Lord. =)

Posted by alteredaura at 3:24 pm | permalink | Add comment

2012 Quick Random Thought #001

January 9, 2012

Happy New Year!

Para sa opening salvo blog post ng 2012, gusto ko lang mag-comment tungkol sa isang ugaling napansin ko noong magsimba kami nitong Linggo, at noong January 1, 2012. 

Kung alam mong mala-box office sa dami ng tao ang lugar na pupuntahan mo, hindi ba marapat lang na dumating ka ng maaga para siguradong makapwesto ka ng maayos (i.e. maayos meaning makakapamili ka ng pwesto/upuan) at hindi ka masiksik? At kung ma-late ka ng dating, naisip mo ba’ng wala kang “K” mag-demand ng upuan? Ang simbahan ay isang pampublikong lugar. Pantay-pantay ang lahat sa mata ng Diyos. Kasama na dito ang upuan simbahan. Hindi ka handpicked ni God para sabihin mong dapat ay ipinagtatabi ka ng upuan. Aba! Ikaw lang ba ang Anak ng Diyos?

Wala ka rin “K”gawing 9-seater ang isang church pew na originally designed para sa 8-katao lamang. Wag isiksik ang malaki mong pwet kapag nakikita mong puno na ang hilera. Kasalanan mo rin naman ang di makaupo dahil late ka dumating.

Wala ka ring “K” na titigan ng masama ang mga magulang at mga preschoolers na nagsakripisyo na bumyahe at dumating ng mas maaga sa yo. Wag mo pagdiskitahan ang mga chikiting na nakaupo, at iexpect na kandungin sila ng mga magulang nila para lang makaupo ang isang katulad mong walang pagpapahalaga sa oras. 

Marunong akong gumalang sa mga buntis at mga matatanda. Pero hindi sa mga buntis at sa mga matatandang hindi maalam magpahalaga sa oras. Minsan din naman akong nagbuntis, at matatanda na rin naman ang mga magulang ko. Pero nung nagbuntis ako, time-conscious ako dahil alam kong mahirap ang sitwasyon ko. Same thing goes for my parents. Alam nilang sa edad nila, mahihirapan silang tumayo, kaya pinipilit nilang dumating ng maaga para makaupo. Marunong silang mahiya at hindi nila ginagamit ang pagiging senior citizens nila para mag-take advantage sa ibang marunong gumalang sa oras. 

Kaya sa mga nakasabay ko nung Linggo at nung Bagong Taon na hindi ko pinagbigyan sa upuan, pasensyahan na lang tayo. Bagong taon na. Sana naman magbago na tayo lalo na’t pagdating sa Filipino time. Let us always be on time. 

Posted by alteredaura at 9:16 pm | permalink | Add comment

Paalam 2011. Mabuhay 2012.

December 31, 2011

Ilang oras na lang (sa Pilipinas) at maglilipat na naman ng pahina ang isang taon.

Paalam 2011. Personally, gusto ko magpasalamat sa taong 2011 dahil marami itong naibigay na mga magagandang karanasan na nagpasaya sa akin, at salamat din sa mga hinanakit at sama ng loob na nagturo naman sa akin ng katapangan at katatagan. Sa taong 2011 ko binuhay ulit ang blog na ito. Sa taong 2011 ko pinili na i-”reprogram” ang blog na ito para maging isang “online notebook” ng aking mga thoughts and feelings na hindi ko maibahagi ng personal kahit kanino. Ironic, dahil hindi ko sya maibahagi ng personal kahit kanino, pero sini-share ko sa buong cyberspace community. Hehehe..

Mabuhay 2012. Sa pagpasok ng bagong taon na 2012 (at sa pagpasok ng kahit anong bagong taon), laging kong iniisip ang simpleng phrase na “Bagong Taon. Bagong Simula” (i.e. New Year. New Beginnings). Realistic (at skeptical) man akong tao, pinipilit kong maging optimist tuwing bagong taon. Kinakalimutan kong ang mga nega (i.e. negative sa mga hindi nakaka-getz) ng taong papaalis - tao, bagay, lugar, pangyayari - pero hindi ko kinakalimutan ang mga lessons na natutunan ko sa pakikipag-interact sa mga nega na yun. Ayokong masyadong mag-expect sa 2012, pero naniniwala, umaasa, at higit sa lahat nananalig (sa Diyos) ako na there will be an improvement in my life (i.e personal, career, family, even lovelife!!) sa darating na 2012. 

Sa mga napadaan lang at naisipan magbasa ng aking blog, salamat. Happy new year sa ating lahat! Sana hindi lang ngayon New Year tayo masaya. Sana araw-araw masaya tayo. All good vibes in 2012! =)

Posted by alteredaura at 4:46 pm | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thoughts #010

December 29, 2011

Hindi ako religious na tao, but I know that there is a biblical verse that goes:

“So when you give to the poor, do not sound a trumpet before you, as the hypocrites do in the synagogues and in the streets, so that they may be honored by men. Truly I say to you, they have their reward in full.”   ( Matthew 6:2 )

Roughly translated, kung may gagawin kang mabuti para sa kapwa mo, huwag mo nang ibida or ipagmalaki pa dahil nawawalan ito ng bisa. Same thing goes true sa panunumbat. Kung may gagawin kang mabuti para sa kapwa mo, nawawalan iyon ng bisa kapag dumating ang araw at isinumbat mo sa kanya ang kabutihang ginawa mo. It is like negating the positive thing you have done. Wala kang ipinag-iba sa sinasabi sa Bible na mga impokrito na ibinibida ang mabuting ginawa nila sa pamamagitan ng grand announcement with trumpet effects. Para’yang basketball - ang good deed ang bola, ikaw at yung kapwa mo ang sasalo. Kapag gumawa ka ng mabuti, ipinapasa mo ang bola sa kapwa mo. Pero kapag isinumbat mo ang good deed na ‘yun, ibinibalik lang nya sa iyo ang bola. The good deed loses its effect. 

Kung gagawa ka ng mabuti sa kapwa mo, at later on he/she mistreats you, then fight back and fight about the CURRENT misdemenor that he/she did  - but never bring up the past things you have done for him/her. It is an unfair battle dahil hindi ka nagfo-focus sa mga actual na pinag-awayan nyo ngayon. For all you know, may katwiran at tama naman sya ngayon, kahit na 500% goodness pa ang ibinigay mo sa kanya noon. 

Kung gagawa ka ng mabuti sa kapwa mo, at genuine ang intentions mo sa paggawa ng mabuti na ‘yun, then huwag kang manumbat. 

Posted by alteredaura at 1:32 pm | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thoughts #009

December 22, 2011

Magpakatotoo ka. I had the opportunity to interview one applicant a few days ago. And as expected isa sa mga normal questions na tinatanong ay “why would you like to leave your current employer?”. Nung una, obvious na the candidate was trying to conceal his real reason behind some cliche answers like exploring new roles, work-life balance, etc. Matapos namin paikut-ikutin ang mga  tanong, inamin din nya na higher compensation pay ang totoong dahilan kung bakit sya nakakaisip na umalis. And for being candid and straightforward, I gave him credit. 

Hanga ako sa mga taong kayang magpakatotoo. Yung mga tipo ng tao na walang kakambal na Orocan or Tupperware. Siguro kasi ako rin yung tipo ng tao na gusto ko na hanggang maaari, pawang katotohanan lang din ang sinasabi sa akin at sasabihin ko - no matter how brutal or hurtful the truth is. Hanga ako sa mga taong kayang sabihin yung totoong nasasaloob nila. Hanga ako sa mga taong kaya kang sabihan ng harapan tungkol sa pagkakamali mo. Sila kasi yung mga tipo ng tao na kampante kang pakisamahan dahil alam mong maglalakad ka ng walang itak na nakasaksak sa likod mo - in short, hindi ka nila babanatan kapag nakatalikod ka. 

Knowing the Filipino culture of being nice, mahirap-hirap gawin ito. But this is one thing that I admire with my foreign counterparts. Straightforward sila. Mahapdi pakinggan sa tenga, at nakakasikip ng dibdib ang pagiging brutally frank nila. But you can expect that there’s no more bullsh*t to come out from their mouths after you end the conversation. Sana maging ganyan ang Pinoy. Sana magpakatotoo na lang ang lahat.

Posted by alteredaura at 11:38 pm | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thoughts #008

December 9, 2011

Nothing beats those times and moments spent with the people you love. Hindi mapapantayan ng high-tech gadgets, malaking sahod, bonggang 2-to-3-letter job titles (i.e. CEO, CIO, VP, AVP, etc…) ang oras na iginugugol mo sa mga taong mahal mo (mahal meaning pwedeng parents, kapatid, anak, asawa, boypren, gelpren, dometic partner). Kung ako ang tatanungin, hindi ako magdadalawang-isip mag-ubos ng oras, magtapon ng VLs/SLs/ELs/Solo-Parent Leaves para sa anak ko (ang kaisa-isang taong natitiyak kong hindi ko kayang tiisin). Hindi ako magui-guilty magsinungaling sa opisinang pinapasukan ko kung alam kong kailangan talaga ng anak ko ng quality time. Oo, money is important and it is definitely a means to an end. But at the end of the day, and even at the end of our days (i.e. ikaw ay nasa iyong deathbed), maiisip mong pwede mong mabili ang mga high-tech na gadgets, kitain ang malalaking sahod, makuha ang pinakamimithing break at promotion sa trabaho, anytime basta magsipag at magtyaga ka lang. Pero mababalewala ang lahat ng mga materyal na bagay na ito at hindi mo maibabalik ang mga oras at pagkakataon na nakapuslit sa mga palad mo kapag hindi mo naipadama sa mga taong mahal mo, kung gaano sila kahalaga syo.

Posted by alteredaura at 9:08 pm | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thoughts #007

December 8, 2011

Hindi lahat ng tahimik ay walang alam. At hindi lahat ng pa-bibo ay napakaraming alam. ‘Ika sa isang kasabihan Filipino, may mga pagkakataon na, at mas madalas sa madalas, “maingay ang latang walang laman”. Huwag husgahan ang tao sa kanyang WPM (words per minute) - sa kung gaanong kadaming salita ang lumalabas sa bibig nya kada minuto. Huwag husgahan ang tao sa kung gaano ang bravado nya kapag nagsasalita. Huwag husgahan ang tao sa kung gaano ka-kulot ang accent nya. Huwag husgahan ang tao sa kung gaano ka-tindi ang vocabs nya. For all we know, may kinukubli sila sa loob ng ingay nilang iyon. At aminin na natin, may mga tao sadya talagang epal. Ginawa yun ng tadhana para may spice ang buhay. The best weapon against them? Silence and indifference….

Posted by alteredaura at 11:44 pm | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thoughts #006

November 29, 2011

Minsan naniniwala ako sa kasabihang “daig ng maagap ang masipag”. Minsan talaga, timing is everything. Kahit pa napakagaling mo magpaliwanag pero naunahan ka ng iba sa isang idea, wala rin saysay ang galing mo. Hindi man parating tama, at swerte mang maituturing, pero there are times that this kind of luck pays off. Lesson - kung may gusto or may kailangan kang gawin, gawin mo na agad at the first available instance na mag-open sa ‘yo. Huwag na patagilin. Hindi mo alam, baka hindi ka na ulit mabigyan ng pagkakataon na gawin yun.

Posted by alteredaura at 9:26 pm | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thoughts #005

November 17, 2011

Don’t bite off more than you can chew. Huwag kumuha ng additional responsibilities kung sa palagay mong hind mo kakayanin na balansihin ang mga bagay-bagay. Hindi masama humindi at umiwas sa pagiging uber-bibo kung alam mong ikawawala ng ulirat mo ang gabundok na gawain na ibibigay syo. Mas mahirap maging uber-bibo, only to end up not accomplishing anything, or worse, ipapasa-load mo rin sa ibang tao ang gawain na initially naman eh inako mo. Hindi na covered ng definition ng delegation ang gawaing ganun. Nandamay ka pa ng ibang tao. Know your limits. Magpakatotoo ka sister!

Posted by alteredaura at 2:33 am | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thought #004

November 12, 2011

Huwag mag-feeling magaling kung hindi mo pa alam kung ano talaga ang gagawin mo… This is one lesson learned the hard-way by some people at work… Akala nila porke’t seasoned technical people na sila eh yakang-yaka na nila ang anumang task na ibibigay sa kanila, only to end up frustrated and struggling. Mga kuya at ate, before nyo isipin na madali at kayang-kaya nyo ang trabaho na ibibigay sa inyo, learn to observe first what happens in your surroundings. Judge only once you’ve been in the shoes of people who have experienced what you think is an easy task. Hindi masama maging optimist, but doing a reality check once in awhile is not bad. Keep it real ‘ika nga.. 

Posted by alteredaura at 7:39 pm | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thought #003

November 4, 2011

Ma-pride man pakinggan (or basahin), balewala ang pagtaas ng ranggo sa trabaho kung alam mo naman na nakuha mo ang promotion na yun dahil sa paghimud ng pwet ng mga boss mo (in English, isa kang kiss-ass). Ito ay mas napapalala pa kung alam mo naman sa sarili mo (basta’t magpakatotoo ka lang) na hindi ka naman talaga henyo at may mga tao na di hamak na mas magaling at mahusay kesa sa iyo. Oo nga tumaas ang ranggo mo, pero makakalakad ka pa kaya ng taas-noo, knowing sa sarili mo na magaling ka lang sa iisang bagay - ang maging dakilang sipsip…

Posted by alteredaura at 10:07 pm | permalink | Add comment

All Souls’ Day Thoughts

November 2, 2011

Dumalaw kami kahapon sa puntod ng aking mga Lolo’t Lola. Habang pinagmamasdan ang kanilang mga lapida, pinagmasdan ko rin ang ibang mga puntod na andun, kasama na ang sandamukal na tao na dumadalaw din sa kanilang mga minamahal na sumakabilang-buhay na. One thought crossed my mind… Thankful ako na kami pa rin ang dumadalaw sa sementeryo tuwing Araw ng mga Kaluluwa. Thankful ako na hindi ako ang dinadalaw… Thankful na buhay pa rin ako… Masarap pa rin pala ang mabuhay…

Posted by alteredaura at 2:03 pm | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thought #002

October 31, 2011

Love people, not things… Use things, not people…

Ang tao ay hindi isang disposable na item na pagkatapos gamitin ay basta basta na lang isasantabi dahil may bago nang kapalit. Hindi naman lahat ng talents at skills ay pinanghahawakan lamang ng iisang tao. For all you know, yung taong isinantabi mo ngayon, ay kakailanganin mo rin balang araw. Sana lang pagdating ng araw na yun, ay andun pa rin yung tao, at willing pa rin syang balikan ka. Kung ayaw na nya, belat na lang sa iyo.. 

Posted by alteredaura at 5:00 pm | permalink | Add comment

2011 Quick Random Thought #001

October 1, 2011

2011 Quick Random Thought #001:

Ang tunay na magaling ay hindi lang nakikita sa technical skills. Attitude plays an important factor in climbing the success ladder. Technical skills can be learned in any classroom. But attitude grows and is bred in time, from the right mix of proper upbringing, humility, patience, and a sincere and genuine treatment of people. 

Posted by alteredaura at 1:59 am | permalink | Add comment

Para Kay Mama

Kasalukuyan kong binabantayan si mama dito sa hospital. After 5 years of walang-sawang pangungulit, pagpipilit, she finally agreed to have her polyps removed through hysteroscopy. O diba? Ang ibang tao, nag-aalaga ng pet dog, pet cats, even exotic pets gaya ng iguana at tarantula.. Ang nanay ko, exotic pet din ang inalagaan for 5 years - ang polyps nya. Salamat sa pananakot ng kanyang OB (na pwede daw mag-trigger ng cancer ang kanyang polyps) at pumayag na rin syang i-let go ang pet polyps nya. 

Kahit hindi nya sabihin, at aminin, obvious na kinakabahan ang nanay ko kanina. Habang kinakabitan pa lang sya ng IV (swero), hindi na sya makatingin. At lalo pa syang nabwisit nang hindi maikabit agad ang kanyang IV dahil nahihirapan ang nurse na hanapin ang ugat sa kamay nya. Chubby daw kasi ang kamay ni mama kaya hindi lumilitaw ang mga ugat nya. Matapang at malakas ang loob ng nanay ko… huwag lang na sya mismo ang nakasalang sa hospital bed. 

Pagkatapos ng hysteroscopy at nang maibalik na sya dito sa kwarto,  nakita ko ang nanay ko from a different perspective. Hindi sya yung makulit at maingay na ilaw ng tahanan - ilaw na mala-Halogen light ang liwanag dahil sa pagiging over maalalahanin at protective nya sa akin (na 33 years old na at may sarili nang anak) at sa aking kapatid (isang 19-anyos na bardagol na lalaki). Kanina nung ilabas sya sa Recovery Room at dalhin dito sa kwarto, nakita ko na tao rin si mama - hindi sya yung Superwoman at Babaeng Atlas na pinapasan lahat ng worries at troubles sa bahay. Hindi ko minasama ang perspective na ito. In fact, isa itong eye-opener on my end. Naawa din ako kay mama (Ma, alam kong ayaw mong kakaawaan ka, pero I’m just being real…). All this time, all these years, sya ang nagbabantay sa amin (sa akin, sa kapatid ko, sa tatay ko, sa anak ko!). It is but right that in this single, significant instance, I return the favor and ako naman yung magsilbi sa kanya. Alam kong hindi ako ang peboritz ng nanay ko. Aminado ako na my mom and I don’t always see eye to eye. May atraso din ako sa kanya lalo na nung mga panahon na pinasok ako ng topak, nagrebelde, at tinalikuran sila. Pero hindi man ako ang apple of the eye ng nanay ko, somehow, deep within this stone-cold heart of mine, alam kong mahal ko ang nanay ko. At dahil sa pagmamahal na yun, sinusubukan ko syang pagsilbihan ngayon, during these moments wherein she’s in her weakest state - pagsisilbi dahil sa pagmamahal, kahit na alam kong hindi ako ang paborito nya. Oks lang yun. 

O sya, humahaba na ang blog post na ito. Hindi ko rin naman alam kung madi-discover at mababasa ito ng nanay ko. Wala naman silang kamalay-malay na blogger ako. Sa ngayon, ipinapanalagin ko na lang na sana hindi malignant ang mga pet polyps ni mama. Hinayupak yang mga polyps na yan!! Nakikihati pa sa pag-aalaga ng nanay ko.. Matunaw nawa kayo dyan sa formalin na pinagbabaran sa inyo, at wag na kayo babalik sa katawan ng nanay ko.. 

Posted by alteredaura at 12:59 am | permalink | Add comment

Revival

I was going over my email account and I noticed that I got several comments from some of my posts in this blog. Those blog posts which showed pure emotions - pure happiness and pure hatred. Hmmm.. May nagtitiyaga din palang magbasa ng blog entries ko. I’m still figuring out how can I approve those comments. Hmmm.. 

Anyway, having seen those comments, I’m planning to revive this blog. Ok! I’ve said the same thing in another blog which I have created. But I’m planning to make this blog the more personal and the more candid one. No sweet talk, no sugarcoating, bullshit-kung-bullshit, simply raw emotion posts. Well, okay… they say we have to be responsible we throw into the internet. Sige, alang-alang sa ganung prinsipyo, and since pinalaki rin naman ako ng aking pamilya na may tamang urbanidad, i’ll be spilling the beans, without necessarily dropping the names. Bato-bato sa langit, tamaan wag magalit… Ang unang pumutak, ang syang nangitlog.. Let’s put it that way na lang.. Read, think, contemplate.. If the posts hits you, keep mum, lest you want the whole world to know that it’s you I’m talking about… 

Posted by alteredaura at 12:38 am | permalink | Add comment

Not Worth It

June 29, 2009

Today is one of those days wherein I just want to drop everything and quit this f*ckin’ battle. It’s not worth it. It’s not worth the sleepless nights I’m having. Not worth the prolonged menstruation days (3 bloody weeks!) I’m experiencing. Not worth the hormonal imbalance my body is going through. Not worth the tears at night I’m crying. Not worth the headaches and heartaches I’m getting out of frustration. It’s not worth it.

Yes, I’m being paid to fight this battle, but I guess, money is not always the end. Especially if one’s sanity, peace of mind, and happiness is on the line. Sadly, I became a pawn in this nasty battle - a pawn manipulated because of the monetary gains that I get. It’s like a drug that has grown on me and to let go means to suffer from withdrawal syndrome. But I know soon the weariness, stress, and frustration will get the better of me. Knowing myself, the need for the dough will not outweigh my longing for peace of mind. It’s just a matter of time…

Posted by alteredaura at 7:37 pm | permalink | Add comment

Isang Bukas na Liham…

June 18, 2009

Isinusulat ko ang bukas na liham na ito dahil sa kabaliwan na inaabot ko sa aking kasalukuyang sitwasyon. Wala itong kinalaman sa aking buhay-pag-ibig (dahil wala rin naman akong buhay pag-ibig.. hehehe..) kaya hindi dapat maging malisyoso at malisyosa sa pagbabasa.

Ito ay isang bukas na liham para sa ilan kong kakilala.

Una, nais kong ipaalam sa inyo na sa anim na opisina na akin nang napasukan, sa kasalukuyan kong opisina ako pinaka-aburido. Ayos lang sana ang aburido sa trabaho. Lumilipas at pana-panahon lang naman ang mga masakit sa ulo na tiket. Sana ganun din ang sitwasyon sa mga chismosa’t intrigera sa opisina. Sana pana-panahon at sana lumilipas din sila. Kaya lang hindi. Kaya dagdag-aburido ang mga ganitong tao.

Ikalawa, nais ko ipaalam sa inyo na alam ko karamihan (hindi man lahat) ng bagay na sinasabi nyo sa likod ko. Mabait ang Diyos. Hindi pa rin ako pinapabayaan. May mga matitino at mga totoong tao pa rin sa opisina.. mga totoong tao na hindi gaya ninyong mga Hudas. Mula ng makilala ko kayo, nalaman ko na nagsasalita, naglalakad, tumatawa, at nagtsi-tsismisan pala ang mga timba at aparador ng Orocan. Ganun kasi kayo. Orocan sa kaplastikan. Mabait kapag kaharap. Kaaway na lihim kapag nakatalikod.

Ikatlo, wala akong pakialam kung iilan na lang tao ang pumapansin sa akin sa opisina. Hindi naman ako pumapasok para makipag-chismisan at makipag-huntahan lang, gaya ninyo. Pumapasok ako sa opisina para magtrabaho at ayusin ang mga bwisit kong tikets, hindi para makipag-tsismisan at mag-kape, tanghalian, meryenda break - gaya ninyo. Wala sa akin kung hindi ninyo ako pansinin, basta kinakausap ako ng mga amo ko (boss ko), ng HR (dahil sila ang nagpapasahod sa akin), at ng iilang piling kaibigan na alam kong totoo.

Ikaapat, kung akala nyo takot ako na bitiwan itong hinahawakan ko ngayon, nagkakamali kayo. Hindi ako gaya ninyo. Napaka-gagaling humusga at napakayayabang sa pag-iisip na madali ang hawak ko, pero napaka-duwag din naman na hawakan ang hawak ko. Kung totoong magaling kayo gaya ng ibinibida ninyo, bakit ayaw nyo sumubok man lang sa ginagawa ko. Ang hirap sa inyo, ang dali nyong magsalita at magsabi na mababaw lang ang tubig, pero takot kayong tumalon at sumisid para malaman kung gaano kababaw o kalalim.

Ikalima, mali kayo kung inaakala ninyo na takot ako mawalan ng trabaho kaya ako malapit sa ilan tao sa opisina. Marunong lang ako manimbang kung sino ang mga taong dapat pakitaan ng mabuti dahil mabuti rin naman sila sa akin. Kung naging mabuti din kayo sa akin, malapit din ako sa inyo. Kung di ninyo ako binanatan sa likod, hindi ko rin kayo babanatan sa bukas na liham na ito. Hindi ako takot mawalan ng trabaho. Hinayang, oo. Takot hindi. May kaibahan ang dalawa. At kung matanggal man ako, alam kong malinis ang konsensya ko. Malinis ang konsensya ko dahil ginawa ko ang trabaho ko sa abot ng makakaya ko. Hanggang bahay inuuwi ko ang trabaho ko. Minsan umaabot pa sa puntong ang oras ko para sa anak ko ay napupunta pa sa trabaho. Malinis ang konsensya ko na ginawa ko ang makakaya ko, na hindi ko inubos ang oras ko sa opisina sa panonood ng DVD, pamamasyal sa mall, pag-iinternet, pagtsi-tsismisan, at pagkain ng tangalian ng merienda na inaabot ng isang oras mahigit. Maaaring hindi ako kasing-talino ninyo, pero alam kong hindi dapat abusuhin ang trabaho at talino ko. Sa bagay na ‘to, hindi ako takot na mawalan ng trabaho - ang utak at talino kasi nagagawan ng paraan basta’t may tiyaga, pero ang pangit na ugali at asal, mahirap hanapan ng lunas.

Hindi ko alam kung magkakabati pa tayo. Hindi ako umaasa. Hindi ko nga alam kung mababasa ninyo ito. Isinulat ko ito para ipaabot sa inyo na mulat ako sa mga pinagagagawa nyo sa akin. Hindi dahil sa tahimik ako ay hindi ko dinaramdam ang mga bagay bagay. Hindi dahil sa tahimik ako takot ako sa inyo. Hinding-hindi. Pinili kong manahimik dahil ayaw ko pumatol sa mga katulad ninyo. Sayang lang ang laway, oras, at pagod ko. Naniniwala ako sa karma. Naniniwala ako na hindi natutulog ang Diyos. Bahala na Siya sa inyo.

Posted by alteredaura at 8:06 pm | permalink | comments[1]

Desiderata

June 10, 2009

My Dad and I were on our way home around 6pm. My Dad is usually listening to his favorite radio station, RJ100.3 FM when suddenly, I heard this song being aired. I knew I have heard (or read) of the lyrics before. It was, however, my first time to hear the song version. The lyrics were really inspiring. I had to download it from the internet, and play it everytime I really feel depressed with my work, or whenever I feel pissed with some of the people in the office. — “Avoid loud and aggresive people.. they are vexations to the spirit..”.. Hehehe.. I like this one.. Bwahaha! >:-)

Desiderata
- Les Crane

Desiderata. Desiderata. Desiderata.
Go placidly amid the noise and haste,
and remember what peace there may be in silence.
As far as possible without surrender,
Be on good terms with all persons.
Speak your truth quietly and clearly, and listen to others -
Even the dull and ignorant, they too have their story.
Avoid loud and aggressive persons - they are vexations to the spirit.
If you compare yourself with others, you may become vain and bitter,
For always there will be greater and lesser persons than yourself.

Enjoy your achievements as well as your plans.
Keep interested in your own career -
However humble, it is a real possession in the changing fortunes of time.
Exercise caution in your business affairs,
for the world is full of trickery.
But let this not blind you to what virtue there is.
Many persons strive for high ideals,
and everywhere life is full of heroism.
Be yourself.
Especially do not feign affection, neither be cynical about love.
For in the face of all aridity and disenchantment,
It is as perenial as the grass.
Take kindly the council of the years,
Gracefully surrendering the things of youth.
Nurture strength of spirit to shield you in sudden misfortune,
But do not distress yourself with imaginings -
Many fears are borne of fatigue and loneliness.
Beyond a wholesome discipline, be gentle with yourself.

You are a child of the universe.
No less than the trees and the stars, you have a right to be here.
And whether or not it is clear to you,
No doubt the universe is unfolding as it should.

Therefore, be at peace with God, whatever you conceive him to be.
And whatever your labors and aspirations,
in the noisy confusion of life,
Keep peace with your soul.
With all its sham, drudgery, and broken dreams,
it is still a beautiful world.
Be careful. Strive to be happy.

Posted by alteredaura at 6:34 pm | permalink | Add comment

Goodbye Lola Azon

May 28, 2009

I hate deaths. Last Saturday, another grandmother died - my father’s mom. I’m not that close to her as compared to my grandmother, my mother’s mom. But somehow, the thought of losing someone, never seeing, talking, touching him or her again, is something that I hate.

I took 4-days off from work. I knew I would be needed at home, even if my Dad keeps telling me “Ok lang, Anak. Sige, pumasok ka na.”. No. This is one occassion wherein I will certainly disobey him. Family always comes first for me. If ever I lose my current job (which is not impossible), I know I will certainly find another one in some months or years time (that is, should I still choose to continue living a monotonous life as a COBOL developer). But I know, I can never bring back the time lost when I should have helped and stayed with my family during the moments I was needed. And death is surely one of those moments. My teamlead at the office texted me last Monday asking me to come to work, despite the fact that I have texted her about my grandmother’s death. How some people can become insensitive and inconsiderate of others, just because of work. She later apologized for that insensitivity. Had she pursued it, I would have texted her back, “Consider me for the next round of retrenchment. I don’t want to work in a company, whose only goal is to have concern and resolve a f*ckin’ bunch of tickets for its clients, but doesn’t have the slightest tinge of concern and sensitivity to their grieving employees”.

Yesterday my grandmother was buried. As her coffin was slowly lowered down the pit, I said a silent prayer. Being a good woman, I know she would be in God’s presence soon. Perhaps, being nearer to God, she can relay to Him my prayers. “Lola Azon, I know you will be with God soon. Together with Lola Pacing, please help me pray to God, for Him to help me find a new beginning in my career. I am no longer happy and each day has become a struggle for me. Please help me pray that God helps me overcome whatever challenges I am facing right now. I want to leave this present career and start afresh with what my heart has desired 13 years ago - to be a writer, never a programmer - it’s just that the financial restraints and obligations have always stopped me from pursuing this. Help me Lola Azon and Lola Pacing. Help me pray to God.”.

Posted by alteredaura at 6:28 pm | permalink | Add comment